Monday, July 16, 2018

POSITIBO AT NEGATIBONG DULOT NG LABIS NA PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA MGA MAG-AARAL




Ang paggamit ng isang kompyuter ay nakakasira sa mga kabataan ngayon dahil sa kompyuter nagyon ay pwede itong makakasira ng kalusugan nila.at dahil nag dudulot ito ng ibat ibang mga sakit at maaaring nagdudulot din ito ng maaga nilang pag kamatay.dahil sa mga teknolohiya ngayon ay di na gaanong nag bibigay oras ang mga kabataan sa kanilang mga magulang at ito din ay nakakasira sa utak ng isang kabataan na naayon sa pag kasira sa kanilang katawan.ang teknolohiya ay nakakatulong din ito.dahil napapalago nito ang ating sariling bansa.kung dahil sa mga teknolohiya ay nagagawa na nating makipag komunikasyon sa bawat taong ating ding pwedeng pag kukunang tulong ,dahil sa teknolohiya nagagawa din nating makipag kaibigan o makipag kapwaan sa ibat ibang nayod ng bansa. ang iba sa ga kabataan ngayon hindi na sila madalas pumasok sa silid aralan dahil tinatamad na pag may guro na nagtuturo sa harapan .Talagang napakalayo na ang narating ng teknolohiya sa paggawa ng makabagong kagamitan. Upang mapabilis ang mga gawain at magbigay aliw sa tao lalo na sa mga kabataan pati na rin sa mga matatanda. Ang mga makabagong kagamitan ay kinalolokohan na ngayon ng mga kabataan, isa na rito ang kompyuter na madalas ginagamit upang mag-internet na kilala sa buong mundo. Ito ay nagbibigay ng mabilis na impormasyon, lawak ng komunikasyon at aliw. Marami na kasing gamit ang kompyuter lalo na sa mga kabataang Pilipinong mag-aaral ngayon. Isa na rito ang pagbibigay ng internet.. Ang internet ay sinusubaybayan at halos ginagamit na ngayon ng maraming mag-aaral sa Pilipinas. Ito ang aming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin- pansin, lalo na sa mga mag-aaral. Sa halip na maghanap ng mga karagdagang impormasyon para mapunan ang kaalaman sa pag-aaral ay nakatutok na sa mga social networking sites . Ang paggamit ng internet ay may malaking epekto sa mga kabataang Pilipino. Tila magkaiba na ang larawan ng kabataan noon sa larawan ng kabataan ngayon. Sa pagdaan ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, ang mga hilig ng kabataan ay nag-iiba rin. Marami rin namang maituturing na benepisyo ang komputer sa buhay ng tao. Ipinapakita nito na ang teknolohiya ay siguradong makakatulong sa buhay ng tao sa antas ng karunungan, sapagkat maraming kaalaman ang maaaring makuha mula sa paggamit ng kompyuter. Kung may internet connection ang isang kompyuter maaaring makagawa ang isang indibidwal ng anomang account sa mga social networking sites tulad nalang ng faceboook, twitter, Instagram, at marami pang iba. Ito ay patok sa mga mag-aaral ngayon na nalulong na talaga sa paggamit ng social networking sites . Ang mga sites na ito ay mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pampublikong profyl. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet . Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon. Katulad nalang sa Google at Yahoo, dito madalas manaliksik ng mga sagot ang mga estudyante kapag sila ay may mga takdang aralin. Sabihin na nating nakakakuha nga sila ng mga dagdag impormasyon pero nawawala na dito ang kanilang sipag sa pagbubuklat ng mga libro at sariling sikap upang lalo pang lumawak ang kanilang kaalaman. Hindi na rin nila napapansin ang mga libro na talagang nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman at imbes na mag-isip para makuha ang sagot sa sariling pag-iisip, dumedepende nalamang sila sa mga kaalaman na nabibigay at nakukuha nila sa mga networking sites. Masasabi natin na napakaraming naitulong ang teknolohiya sa lahat ng sektor sa ating komunidad at nadama ang kahalagahan ng mga kompyuter sa paraan ng makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral. Dahil kasi sa kompyuter napapabilis ang mga gawaing pang-opisina at pampaaralan. Napapabilis din ang komunikasyon. Sa kompyuter hindi na natin maaalis ang mga laro o tinatawag nilang kompyuter games. Ito ang talagang patok sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral mula elementarya, sekondarya at tersyarya. Ang mga kompyuter games na ito ang sya namang nagsisilbing pang-aliw sa tuwing gumagamit ng kompyuter. Nadodownload na kasi sa kompyuter lahat ng mga laro kaya maraming mga kabataan na labis na nahihikayat dito, kaya dito rin pumapasok ang mga masamang epekto ng kompyuter. Nalululong na ang mga kabataan sa paglalaro na syang kadalasang nagiging dahilan upang makapagpabaya sila sa kanilang pag-aaral. Patok ang mga kompyuter games na ito lalo na sa mga kalalakihan. Katulad na lang ng kompyuter game na Dota na sya naman talagang kinaaadikan ng mga kabataan na masasabi mo na rin na parang malakas pa sa droga kapag ikaw ay nasobrahan. Dahil, hindi lang pag-aaral ang napapabayaan pati na rin ang kalusugan. Kalusugan, sa larangan ng pagpupuyat at minsan nakakaligtaan ng kumain sa tamang oras o minsan ay hindi na talaga kumakain dahil sa paglalaro sa kompyuter lamang sila nakatutok. Sa elementarya, natuto na din ang mga bata ng paggamit ng kompyuter talag namang nadaragdagan ang kanilang mga kaalaman ngunit minsan dito rin nagsisimula ang pagkakalulong ng isang bata. Sa halip na libro ang buksan madalas ay kompyuter, laptop at iba pang gadgets ang kanilang binubuksan at pinagtutuunan ng pansin, kaya hanggang sa kanilang paglaki kompyuter na ang mulat sa kanilang mga isipan. Pagdating nila sa sekondarya at tersyarya sigurado madalas dito na rin sila nakadepende dahil dito na sila mulat. Marami sa mga kabataan ngayon ay nakadepende na sa ating mga makabagong teknolohiya lalo na sa kanilang pag-aaral. Maliit man o Malaki ang naitutulong ng kompyuter sa buhay ng mga estudyante may mga epekto rin na mabilis sumibol na dapat matuklasan upang malaman kung gaano kalupit ang epekto ng kompyuter at internet. Ang pag-aaral na ito ang aming piniling pagtuunan ng pansin lalo na sa mga mag-aaral sa sekondarya.











No comments:

Post a Comment

POSITIBO AT NEGATIBONG DULOT NG LABIS NA PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA MGA MAG-AARAL

Ang paggamit ng isang kompyuter ay nakakasira sa mga kabataan ngayon dahil sa kompyuter nagyon ay pwede itong makakasira ng kalusugan n...